In celebration for the “Buwan ng Wika”, the DepEd launched different activities for better understanding and appreciation of the Filipino language. These are based on the theme “ Wika Natin Ang Daang Matuwid”. They aim to respond to the challenge of the administration’s battle cry for uprightness in a road to prosperity. The programs will create awareness and promote for our national language so that the Filipino people can move as one nation with one understanding towards our national vision.
Panahon na upang ang lahat ng Filipino ay pagtuonan ng pansin ang sariling wika. Ito lang ang tanging masasabi natin na pwedeng magpabuklod-buklod sa atin bilang isang lahi. Kailangan natin ng isang wika na siyang daan para maipahayag natin ang ating damdamin, kaisipan at minimithi. Kung ang mga mamamayan ay magkakaunawaan sa pamamagitan ng isang wika, tiyak na matuwid ang daan nila patungo sa pambansang layunin. Ang wika ay di lang salita kung di siya ang gabay at inspirasyon ng isang lahi sa landas na kanilang tinatahak. Matuwid lang ang daan kung matatanggal ang balakid ng di pagkakaintindihan. Ang Buwan ng Wika ay may mahalagang tema. Ito’y hinihikayat at nag-uudyok sa atin ng isang bagong pananaw tungkol sa wika. Di gaya sa dating kinagisnan na karaniwan ang wika ay binibigyan halaga sa larangan ng panitikan at literatura lamang. Marami na ang nagbago sa mundo natin. At bilang pagtugon nga sa mga patakaran ng makabagong panahon, ang wika natin ang siyang gagamitin na landas patungo sa ating pangarap. Sa bandang huli, ang wika ng lahi ang siyang mangingibabaw na magtataguyod sa atin bilang Filipino.
The different programs especially in the field of academe on the “Buwan ng Wika” are very beneficial to the students and the community. The culture of understanding by the citizens enjoined together by a common language will surely lead them towards an unobstructed path to success. It is really our language as a Filipino that can provide us better land straight way.
No comments:
Post a Comment